Wala naman ngang masama sa pag-inom. Kahit anong klase ng alak ang inumin mo ayos lang basta alam mo kung hanggang saan lang ang kaya mo. At sabi nga "ilagay mo sa tiyan, wag sa ulo." Ganun din sa pag-ibig. Wala namang tama at mali lalo pa nga kung totoo ang nararamdaman mo. Mahirap lang kapag sobra-sobra ka nang nagmamahal at hinayaan mong balutin nito hindi lang ang puso mo kundi ang buo mong pagkatao. Siguradong tatalunin mo pa ang lasing sa alak. Babaguhin nito ang isip at pananaw mo sa buhay. Dadalhin ka sa mga sitwasyong di mo inakala. Mabuti sana kung tulad sa isang lasing na may aagapay sayo kapag hindi ka na makalakad ng derecho. Paano kung wala at hayaan ka lang nila sa mga kabaliwan mo? Magmamahal ka pa ba at buong tapang na isusugal ang puso mo para sa taong di mo alam kung ano ang magiging epekto sayo?

No comments:
Post a Comment